Vice, No. 1 pa rin… Movie ni Aga, no. 2 sa MMFF, Coco at Bossing Vic, taob!

Photo: Imdb
As expected, top grosser muli ang pelikula ni Unkabogable Star Vice Ganda at ni Anne Curtis na The Mall, The Merrier sa unang araw ng 2019 Metro Manila Filmfest kahapon, Dec. 25. Nakuha namin ang partial info mula sa isang source.
Ayon pa sa nakarating sa amin, pumangalawa ang pelikula ni Aga Muhlach na halaw sa Korean film na Miracle in Cell No. 7. Si Aga rin daw ang hinuhulaang mananalong Best Actor sa filmfest.
Nasa pangatlo at pang-apat naman daw ang pelikula nina Coco Martin at Ai Ai delas Alas, ang 3Pol Trobol, Huli Ka Balbon, at ang entry naman ni Vic Sotto with Maine Mendoza, ang Mission Unstapabol: The Don Identity.
Let’s wait and see kung magbabago pa ang gross ranking sa box office ng mga entries until this weekend.





Comments