top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Untitled PHL chessers, nanghiya ng mga paborito sa UAE at Q.C.

  • Eddie M. Paez, Jr.
  • Dec 26, 2019
  • 1 min read

Dalawang hindi tituladong mga disipulo ng ahedres ang nanghiya ng mga paboritong chessers upang pagharian ang magkahiwalay na mga kompetisyon sa Pilipinas at sa United Arab Emirates kamakailan.

Sinagasaan ni David Elorta ang isang Grandmaster, dalawang international masters at isang FIDE Master upang makaakyat siya sa trono ng Florencio Campomanes Memorial Christmas Blitz Chess Tournament sa Quezon City. Kasama sa mga pinaluhod ni Elorta sina GM Darwin Laylo, IM Paulo Bersamina, IM Ricardo De Guzman at FM Nelson Mariano III. Halos perpekto ang kartada ni Elorta sa paligsahan dahil sa isang “tabla” ang nagsilbing “mantsa” sa kanyang 10.5 puntos na produksiyon pagkatapos ng 11 rounds. Si IM Jan Emmanuel Garcia (10.0 puntos) ang pumangalawa sa bakbakan samantalang tersera ang nakuhang puwesto ni FM Narquingden Reyes (8.5 puntos)

Sa Middle East, nakaungos si untitled Rocky Pabalan ng Pilipinas sa isang mainit na hatawan sa homestretch kontra kina Cuban Grandmaster Walter Rodriguez Arencibia at kay Pinoy AGM John Michael Britannico Silvederio upang hiranging kampeon ng 2019 Al Sayyah Blitz Chess Open sa Shaik Zayed Road ng United Arab Emirates.

Ginamit ni Pabalan ang kanyang nakolektang pitong panalo at isang tabla mula sa siyam na salang sa board upang tapusin ang torneo na may 7.5. puntos. Kasama sa mga nahugutan niya ng buong puntos sina GM Arenciabia noong round 7, International Master Ibrahim Sultan ng punong -abalang UAE sa pangwalong round, Muhammed Yaseen (India, round 2), Dandel Fernandez (UAE, round 3), Pinoy Bret Portugese (round 4), John Vincent Cayaba (round 6) at Noli Delloro nung huling yugto. Nakipaghatian rin ng puntos si Pabalan kay Silvederio nung round 5.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page