top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Spence Jr., tuloy ang laban kahit nanganib ang buhay

Gerard Arce
Dec 26, 2019
2 min read

Malaking hamon ang kakaharapin ni unified International Boxing Federation (IBF) at World Boxing Council (WBC) Errol Spence Jr. sa oras na bumalik ito sa boxing scene sa susunod na taon matapos ang malagim na aksidenteng muntik ng magpatigil sa career nito.

Ilan sa mga mapagpipilian niyang labanan ay sina WBC No. 1 ranked at Silver champion Danny Garcia, WBO king Terrence Crawford at eight-division world champ at WBA welterweight titlist Manny “Pacman” Pacquiao.“Whether it’s Manny Pacquiao or Terence Crawford or Danny Garcia, I want the top names. I do want to be the undisputed champion of the world,” pahayag ni Spence sa panayam ng worldboxingnews.com. “I don’t want a tune-up fight. I want to fight Pacquiao or Danny Garcia if he wins his fight.” I’m the top dog in the division. I am the king of the welterweight division,” dagdag nito. Kinakailangang idepensa ni Spence ang kanyang WBC title sa unang pagkakataon laban sa mandatory challenger na si Garcia sakaling magwagi ito laban kay Ivan Redkach sa susunod na buwan.

Inaantay na lang ng WBC ang medical clearance ni Spence matapos itong maaksidente noong Setyembre sa isang malagim na car-wreck accident, ilang araw matapos makuha nito ang titulo kay dating WBC champ Shawn Porter. “I’m feeling good so I can continue training in 2020. I was back last week and I wasn’t sure or anything. It felt like I just took a long time to rest. I feel real good. It was like a miracle and a blessing from God. There’s nothing serious that would keep me out for a year or two or would have ended my career,” eksplika ng 29-anyos mula Long Island, New York.

Gaya ng naitakdang laban sa WBC, sasabak din ang American southpaw champ sa isa pang mandatory challenger para sa kanyang IBF belt ay si Qudratillo Abduuaxorov ng Uzbekistan. Hinggil naman sa 40-anyos na si Pacquiao, wala pa ring malinaw na makatatapat ito matapos nitong ianunsiyo na babalik siya sa Abril o Mayo. Bukod kina Spence at Garcia na nais siyang makalaban, umaawit rin sina Mickey Garcia na lalabanan naman si Jesse Vargas sa Pebrero sa susunod na taon at si dating WBC champ Porter. Inaabangan din kung matutupad ang ikalawang sagupan nina Pacquiao at undefeated-retired Floyd “Money” Mayweather sa susunod na taon matapos magpahayag ang huli na muli siyang babalik sa boxing ring.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page