Rohingya refugees, welcome — P-Du30
- Mylene Alfonso
- Dec 26, 2019
- 1 min read

Balak ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpatuloy ang tradisyon ng Pilipinas na tanggapin ang Rohingya refugees sa bansa.
Ayon kay Duterte, handa siyang tanggapin ang mga Rohingya sa Burma kung nanaisin nitong mag-migrate.
“I am prepared. I have communicated my desire na pagka ‘yung mga Rakhine, ‘yung mga Rohingya sa Burma, kung gusto nilang mag-migrate, tatanggapin ko sila,” ani Duterte sa kanyang talumpati sa Cotabato City.
Kaugnay nito, hinikayat ng Pangulo ang Malaysia at Indonesia, kapwa Muslim-majority nations, na sumunod sa kanyang plano.
“Maghati-hati tayo, Malaysia, Indonesia, Philippines,” ani Duterte.
“Kalaki nitong Mindanao. You plant there. Turuan natin silang mabuhay,” dagdag pa ng Punong Ehekutibo.
Ikinatwiran din ng Pangulo na tinanggap naman ang mga Filipino ng mga Vietnamese noong panahon ng Amerikano kaya dapat lang ding tanggapin at turuang mabuhay ang mga refugees.
Matatandaang, libu-libong Vietnamese refugees ang tinanggap ng Pilipinas taong 1975 sa pamamagitan ng Philippine Refugee Processing Center (PRPC) sa Morong, Bataan.
Noong panahon naman ni dating Pangulong Manuel Quezon ay tinanggap din ng bansa ang mga Jewish refugees. Nabatid na ilang Rohingya Muslims mula sa Myanmar ang napilitang lumikas dahil sa umano’y military crackdown.





Comments