Naipit sa malaking bato sa jet ski scene… Jackie Chan, muntik nang mamatay sa shooting
- Ronalyn Seminiano
- Dec 26, 2019
- 1 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Kilalaa si Jackie Chan sa paggawa ng mga stunts nang walang double kahit gaano pa kapanganib. Pero, tumatanda na ang Hong Konger martial artist at kung tutuusin, hindi na dapat siya sumasabak sa madudugo at delikadong stunts.
Sa isang report mula sa China.org.cn, nakakalungkot ang balitang muntik nang mamatay si Jackie matapos maipit sa malaking bato sa jet ski scene para sa movie niyang Vanguard.
Nagpapasalamat na lang ang lahat ng miyembro ng movie production at nailigtas ng kanilang rescue team si Jackie.
Marami man ang humahanga sa angking lakas ng loob ni Jackie Chan pagdating sa mga makapigil-hiningang stunts, for sure, matatanggap ng mga fans niya kung magla-lie-low na siya.
After malagay sa bingit ng kamatayan, napaiyak na lang ang direktor ng Vanguard na si Stanley Tong dahil sa nangyari.
Aniya, “When I saw Jackie saved and when he emerged out of the water, I just could not hold back my tears.”
Sey naman ng magaling na Chinese actor, “When I took a shower later that night and remembered the incident, I suddenly felt really scared and started shaking. I was thinking about how I could have so easily died.”
Dahil diyan, marahil, ito na ang last stunt ni Jackie Chan.





Comments