top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Huli sa CCTV, 11-anyos suspek.. 4 yrs. old nasunog, patay

V. Reyes
Dec 26, 2019
1 min read

Nananawagan ng tulong ang pamilya ng 4-taong gulang na lalaking nasawi matapos masunog sa Quezon City.

Nagluluksa sa gitna ng Pasko ang pamilya ng biktimang si John Andrei Yapit lalo na’t wala umanong pampalibing ang mag-anak.

Una nang natagpuang walang buhay at sunog na sunog ang katawan ng biktima sa isang bakanteng lote sa Bgy. Bagong Silangan sa Quezon City.

“Sobrang saklap na ‘yung kapag nakita mo ‘yung anak ‘yung hitsura ng anak ko hindi alam kung ano sinisigaw niya habang ‘andun siya, kung tinatawag niya pangalan namin ng asawa ko,” ayon kay Dina Yapit, ina ng biktima.

Patuloy nang sinisiyasat ng Bureau of Fire Protection ang insidente na batay sa kuha ng CCTV, makikita ang biktima na kasama ang isa pang bata at tila naghahabulan sila papunta sa isang bakanteng lote.

Ilang sandali pa, ang bata na kasama ng biktima na lang ang lumabas at sumilip pa siya sa bakod. Hindi kita sa CCTV footage na may nag-aapoy na sa bakanteng lote.

Sinasabing isang child with special needs ang 11-anyos na batang huling nakitang kasama ni John Andrei na pinagbibintangan din sa insidente.

Ikaanim sa pitong magkakapatid si John Andrei na ayon sa kanyang mga magulang ay malambing na anak.

Tuwing Pasko bumibili ng bagong sapatos at damit ang ama ng biktima para sa kanilang magkakapatid ngunit, hindi na niya ito maisusuot para maipagmalaki sa kanyang mga kaibigan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page