Fil-Am Clarkson inilipat na sa Jazz mula sa Cavs
- Gerard Arce
- Dec 26, 2019
- 2 min read

Ipinagpalit ng Cleveland Cavaliers si Filipino-American at Gilas Pilipinas member Jordan Clarkson sa Utah Jazz kapalit ang Australian guard na si Dante Exum.
Ayon sa ulat na ipinarating ni Adrian Wojnarowski, nakatakda ring magpadala ng dalawa pang second-round ang Jazz sa Cavs. Sinegundahan ni Brian Windhorst ang naturang trade kung saan sinabi nitong ang pares ay naglalaman ng 2022 San Antonio second at 2023 Golden State second.
Kasalukuyang kumakana si Clarkson ng 14.6 puntos sa 44.2 percent shooting, 2.4 rebounds at 2.4 assists. Siya ang pangunahing bench scorer ng Cavs na naglalaro ng 23.0 minuto kada laro. Ang injury prone na si Exum ay nakapaglaro lang ng 56 games sa loob ng 2 season at 11 ngayon ay kasalukuyang kumakampanya. Tumitikada lang ito ng 2.2 points at 1.1 rebounds para sa Jazz.
Malaki ang maitutulong ni Clarkson sa Jazz dahil sa kapasidad na pumuntos at maging maayos na ball-handler lalo pa’t nakakaramdam ng kakulangan sa point guard duties ang Jazz sa kawalan ng main ball carrier nitong si Mike Conley.
Nasa huling estado na nang kanyang kasalukuyang kontrata si Clarkson, habang mayroon pang 2 season si Exum sa $9.6 miilion kada taon na maaring maging isang impact player sakaling maging healthy ito.
Ang 27-anyos na Tampa, Florida native ay unang naglaro sa NBA sa Los Angeles Lakers na pinarangalan bilang parte ng NBA-All rookie frist team na nai-trade noong 2018 sa Cavs. Nakapaglaro si Clarkson sa Gilas Pilipinas noong 2018 Asian Games bilang naturalized citizen matapos na hindi makuha FIBA eligibility dahil hindi ito nakakuha ng Philippine passport sa edad na 16-anyos. Ang ina niyang si Annette Tullao Davis ay mula sa Bacolor, Pampanga, habang ang ama nito ay si Michael Alan “Mike” Clarkson ay isang African-American heritage.





Comments