Aksidente, mala-masaker na — P-Digong.. Kasalanan ng mga ‘killer’ truck!

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat nang makontrol ang overspeeding na sanhi ngayon ng kaliwa’t kanang aksidente sa mga kalsada.
Sa kanyang talumpati sa Cotabato City, isinisi ng Pangulo ang mga aksidente sa mga trak at sinabing hindi na ito katanggap-tanggap.
“It’s almost adventure ngayon kung magsakay ka ng truck kasi bubunggo talaga ‘yan P.I. at ang patay aabot na ng 20, 22. It’s no longer acceptable to me,” ani Duterte.
Giit pa ng Pangulo, dapat nang makontrol ang overspeeding dahil parang masaker na ang nangyayari sa rami ng namamatay.
“Itong overspeeding, that has to be controlled kasi marami nang patay ang numbers ng patay no longer, ‘di na nakakatuwa. ‘Di na maganda basahin. Parang massacre na almost everyday,” wika pa ng Pangulo.
Ayon kay Duterte, pulisya ang aatasan niyang magkontrol sa overspeeding pero, hindi sinabi kung paano ito gagawin.
“Itong kwan ‘to, itong pulis ang magkontrol. Pero, ‘yan, ha, iwasan niyo ‘yang ganu’n,” ani Duterte.
Matatandaang, nito lamang nakaraang linggo, siyam katao ang namatay habang marami ang sugatan matapos ang banggaan ng dalawang trak at isang jeepney sa Cardona, Rizal.





Comments