5 samples ng lambanog, may lason — FDA
- Madel Moratillo
- Dec 26, 2019
- 1 min read

Lima mula sa pitong samples ng lambanog na nakolekta ng Food and Drug Administration (FDA) mula sa ilang mga nagbebenta sa Rizal, Laguna ang nagpositibo sa mataas na lebel ng methanol.
Ito ang inanunsiyo ni FDA Officer-in-Charge at Health Undersecretary Eric Domingo.
Ang nasabing samples ay nakolekta noong December 23, 2019 at nasuri sa FDA laboratory.
Lima sa samples na nagpositibo sa high level ng methanol ay nakitaan ng 11.4% hanggang 18.2% ng methanol.
Ang mga ito ay nakolekta mula sa Rey Lambanog, Emma’s Lambanog Store at Orlando Mapa Store.
Ayon kay Domingo, ang methanol o kilala rin sa tawag na wood alcohol ay flammable at nakalalason.
Kung makakainom ng kahit 30ml lamang umano nito ay maaaring mamatay.
Nauna nang sinabi ng DOH na hindi bababa sa 12 ang kumpirmadong nasawi dahil sa pag-inom ng lambanog sa Rizal, Laguna habang marami pang pasyente ang ginagamot.




Comments