Tanggal-lisensiya sa adik sa tomang pharmacist
Dear Chief Acosta, Maaari bang matanggal ang aking lisensiya bilang pharmacist kapag ako ay napatunayang nalululong sa bisyo tulad ng alak? — Abe
Dear Abe, Para sa inyong kaalaman, ang inyong tanong ay tinatalakay sa Republic Act No. 10918 o mas kilala bilang Philippine Pharmacy Act. Nabanggit sa Section 44 ng nasabing batas na:
“Section 44. Revocation or Suspension of the Certificate of Registration and Cancellation of Special/Temporary Permit. — The Board shall have the power, upon notice and hearing, to revoke or suspend the (Certificate of Registration) COR of a registered pharmacist or to cancel an STP (Special/Temporary Permit) of a foreign pharmacist on any of the following grounds:
xxx xxx xxx
(f) Addiction to alcoholic beverages or to any habit-forming drug rendering a pharmacist incompetent to practice the profession as provided for in Section 23 hereof; [...]” (Binigyang-diin)
Samakatwid, maaaring matanggal o masuspinde ang inyong lisensiya bilang pharmacist kapag kayo ay napatunayang lulong sa alak at sanhi nito ay wala na kayong kakayahang gampanan ang inyong obligasyon bilang propesyunal na pharmacist.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.





Comments