Sekyu nag-amok, namaril, 3 todas.. Madugong Christmas Party
- Mylene Alfonso
- Dec 24, 2019
- 2 min read

Nauwi sa madugong pagdiriwang ang Christmas Party ng mga security officers ng Department of Public Works and Highways (DPWH) makaraang mama-ril sa kasagsagan ng kasa-yahan ang kasamahan nilang guwardiya na nagresulta ng pagkamatay ng tatlong security officers at pag-kasugat ng isa pa, kamakalawa ng gabi sa DPWH main office sa Port Area, Manila.
Kinilala nina PEMS Geronimo Cadano at PCpl. Joefrey Magat, ng Manila Police District-Station 5, ang mga namatay na sina Ruben Roces, 63, Officer-In-Charge (OIC) at Mark Jason dela Cruz, 36, kapwa Security Officer ng DPWH Main Office, na matatagpuan sa Bonifacio Drive, Port Area.
Habang binawian ng buhay Lunes ng hapon ang isa pa nilang kasamahan na si Eric Pantastico, security manager ng Catalina Security Agency na nakatalaga sa DPWH main office. Sugatan ang isang housewife na si Rachel de Guzman, 46, na residente ng 376 Capulong St., Tondo, Manila.
Arestado naman ng pulisya ang suspek na si Wilfredo Gamayon, 40, security guard din ng DPWH main office at residente ng 1247 Yuseco Street, Tondo. Batay sa imbestigasyon, dakong 9:40 ng gabi nang mangyari ang krimen sa bisinidad ng DPWH main office.
Nasa kasagsagan ng pagdiriwang ng kanilang Christmas Party ang mga biktima at suspek at kanilang mga kasamahan, nang bigla na lang magbunot ng baril ang suspek at agad na pinagbabaril ang mga nabiglang biktima sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan, gamit ang kanyang service firearm.
Idineklarang dead on arrival sa Manila Doctors Hospital si Dela Cruz, habang patay na rin nang isugod sa Philippine General Hospital si Roces.
Binawian ng buhay sa Gat Andres Bonifaco Medical Center si Pantastico habang inoobserbahan sa naturang pagamutan si De Guzman.
Samantala, naaresto ang suspek na si Gamayon sa isinagawang follow-up operation na sasampaham ng two counts ng murder at dalawang counts ng frustraded murder sa Manila Prosecutor’s Office.
Narekober sa crime scene ang service firearm ng suspek na isang kalibre 9mm pistola na may serial number RIA 1809598, pitong basyo ng bala at isang deformed slug. Inaalam na ng pulisya kung may kinalaman sa kanilang trabaho ang pagpatay sa mga biktima.





Comments