top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

SEAG Coaches, naglabas ng hinaing kay Pres. Duterte

VA
Dec 24, 2019
1 min read

Naglabas ng kanilang hinaing ang mga national coaches partikular kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa pamunuan ng Philippine Olympic Commitee hinggil sa pagbabalewala umano sa kanila bilang bahagi ng tagumpay ng bansa sa nakaraang 30th Southeast Asian Games.

Habang ang mga atletang nagsipagwagi ng medalya ay inulan ng papuri at insentibo mula sa Malacañang at sa POC, tila nakaligtaan silang paambunan man lamang ang mga coaches ng naturang mga atleta.

“Why only the athletes? How about the coaches na nagsakripisyo din para tulungan at gabayan ang mga atletang ito para sa kanilang paglaban para sa bayan,” anang isang national coach na hindi nagpabanggit ng kanyang

pangalan.

“Sana wag naman nilang kalimutan ang mga national coaches. Pag napagtatalo yung mga atleta du’n lang nila naaalala yung mga coaches kasi kami yung madalas sinisisi at kadalasan nga natatanggal pa.”

“Nanawagan po kami kina President Rodrigo Duterte, Speaker Allan Peter Cayetano, Senator Bong Go, Secretary Vince Dizon, PSC Chairman William Ramirez at POC president Congressman Bambol Tolentino sana ‘wag n’yo namang kalimutan ang mga coaches.”

Kaugnay nito, sinabi naman ni Ramirez na may nakalaan ding insentibo para sa mga coaches. Ayon sa PSC Chief, hinihintay lamang nila ang budget para rito.

“Alam naman namin yun, kasi nasa batas yun. Ang hinaing lang namin bakit ang POC at Malacañang parang kinalimutan na kami. Kahit simpleng Congratulations o kaya thank you wala.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page