Natanggal ang mga ngipin, senyales na babagal ang pagtanda at magbabago ang buhay
- Socrates Magnus
- Dec 24, 2019
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Sunshine ng Sunshine_Espinola @facebook.com
Dear Professor, Unang natanggal ‘yung mga sira kong ngipin, pero may mga kapalit na mas magandang ngipin.
Tapos, lahat ng ngipin ko ay sabay-sabay natanggal at ang daming dugo. Nang matanggal ang mga ngipin ko, may kapalit agad na magagandang ngipin.
Curious lang ako, ano kaya ang ibig sabhin nito? Salamat!
Naghihintay, Sunshine
Sa iyo Sunshine, Alam mo, iha, napakaraming nanaginip na ang ngipin nila ay nasira at nalagas kaya ang panaginip mong ito ay masasabing bibihira na mapanaginipan.
Ang panaginip mo ay nagsasabing babagal ang iyong pagtanda, kumbaga, babata ka pa kaysa sa kasulukuyang edad mo, as in, you will look more younger kesa sa kasalukuyang age mo.
Ito rin ay nangangahulugan na ikaw ay magkakaroon ng bagong buhay na bago talaga, as in, hindi ‘yun tulad ng mga produkto na sinasabing “new” kahit luma naman.
New life is new strength, new life is new beauty and new life also means new world for you. Bagong ikaw kaya ang dating ikaw ay hindi na makikita sa iyo dahil bago ang pagkatao mo, mababago rin ang priorities mo.
Para maunawaan mo, pagmasdan mo ang mga halaman, nalalagas ang kanilang mga dahon para mabigyang-daan ang ba-go at sariwang mga usbong.
Obserbahan mo ang iyong sarili at ikaw mismo ang magsasabi na ikaw ay may bago nang kapalaran.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments