top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Discounts sa SEAG athletes sa Maynila, ipatutupad na

  • VA
  • Dec 24, 2019
  • 1 min read

Kaugnay ng naging panawagan ni 30th Southeast Asian Games gold medalist Agatha Wong, ipinag-utos kahapon ni Mayor Isko Moreno ng lungsod ng Maynila ang mahigpit na pagpapatupad ng batas na nag-aatas na bigyan ng kaukulang diskuwento sa mga establisimiyentong pangkalakalan ang mga national athletes na nagwagi sa mga international competitions.

Naatasan ni Moreno upang magpatupad ng ng Republic Act 10699 o “National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act ang Bureau of Permits ng lungsod.

Ginawa ng alkalde ang nasabing hakbang matapos ang naging panawagan ng wushu artist na si Wong na nadismaya sa naranasang hindi pagkilala ng ilang mga “business establishments” sa isinasaad ng nasabing batas.

Base sa naturang batas, ang mga Filipino athletes at coaches na kinikilala at accredited ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission ay may 20 porsiyentong diskuwento sa mga business establishments.

Ang sinumang mahuhuling hindi sumusunod sa nasabing batas ay may nakalaang karampatang parusa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page