top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

63-anyos na lola inabuso ng senglot

Maeng Santos
Dec 24, 2019
1 min read

Posibleng sa kulungan mag-Pasko ang 23-anyos na lalaki matapos hipuan ang 63-anyos na lola at sapakin pa ang rumespondeng tanod dahil sa kalasingan sa Valenzuela City.

Ayon kay Valenzuela Police Chief Col. Carlito Gaces, bukod sa kasong acts of lasciviousness, sasampahan din ng kasong direct assault at resisting Arrest si John Paul Lomame, 23, ng Malanday, matapos suntukin si Gregorio Lepon, 43, tanod na rumesponde sa paghingi ng tulong ng minolestiyang si “Ligaya”.

Sa ulat, alas-9:00 kamakalawa ng gabi, naglalakad ang biktima sa kahabaan ng M.H. del Pilar St. matapos dumalo sa raffle sa 3S Malanday nang magkrus ang landas nila ng suspek at bigla na lamang siyang dinakma nito sa maseselang bahagi ng katawan.

Napasigaw na humingi ng tulong ang lola at narinig ito ni Lipon na agad rumesponde at tinangkang dakpin ang suspek subalit, pumalag ito at sinapak ang tanod sa tainga.

Sumaklolo rin ang iba pang tanod at mga nagrorondang pulis saka inaresto ang suspek na nag-positibong lasing matapos isailalim sa medical examination.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page