top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

X‘mas wish ng Pangulo.. Wala nang anti-Duterte

Mylene Alfonso
Dec 23, 2019
1 min read

Komportable umanong pamumuhay ng bawat Filipino at pangmatagalang kapayapaan ang Christmas wish ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Pasko.

“Gusto niya na magkaroon ng komportableng buhay ang bawat Pilipino. ‘Yun ang palaging wish ng presidente, taun-taon,” ani presidential Spokesman Salvador Panelo.

Matagal na aniyang minimithi ng pangulo na magkaroon ng maayos na pamumuhay ang mga Filipino at makaahon sa kahirapan.

Kasama rin sa wish list ng Punong Ehekutibo na magkaroon ng kapayapaan ang mga Filipino.

“Ang wish list ng presidente, ever since ay bigyan ng kapayapaan, lasting peace ang ating kababayan,” ani Panelo.

Dahil dito, pinakiusapan ng Palasyo ang mga kumukontra sa estado na sumali na sa agos ng pagbabago upang makamit ang mataas na antas ng ating lipunan.

“‘Yung mga kumukontra sa estado ay sumali na sa agos ng pag-akyat ng ating lipunan sa mataas na antas ng progress,” dagdag pa ni Panelo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page