top of page
Pokwang.jpg

Pagkuha ng video sa sinehan, bawal!

Dr. Persida V. Rueda-Acosta
Dec 23, 2019
2 min read

Dear Chief Acosta, Last week, nanood kaming mag-anak ng pelikula sa sinehan bilang reward sa mataas na grades ng mga anak ko. Sa sobrang tuwa ng mga anak ko habang nanonood sa kanilang paboritong animated film ay binalak kong kuhanan sila ng video na sabay na kumakanta sa bida ng naturang pelikula. Pinoposisyon ko na ang aking cellphone upang kuhanan sila nang lapitan ako ng usherette at sinabihan na huwag daw akong magtangkang kumuha dahil bawal daw ito. Sinabi ko na para sa personal na kopya ko lamang ito kasi gusto kong may “remembrance” ang aking mga anak, pero mariin pa ring sinabi ng usherette na sadyang bawal daw ‘yun. Totoo ba ‘yun? - Eunice

Dear Eunice, Sa ilalim ng Republic Act (R.A.) No. 10088 o mas kilala bilang “Anti-Camcording Act of 2010,” mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha o pagkopya ng pelikula o bahagi nito o saliw ng tugtugin na kabilang nito nang walang pahintulot ng may-ari ng copyright o lisensiya nito. Partikular na nakasaad sa Section 3 ng naturang batas:

“Section 3. Acts Constituting Unauthorized Possession, Use and/or Control of Audiovisual Recording Devices. - It shall be unlawful for any person, at a time when copyright subsists in a cinematographic film or other audiovisual work or its soundtrack and without the authorization of the copyright owner or exclusive licensee thereof, to:

a.use or attempt to use an audiovisual recording device to transmit or make a copy of any performance in an exhibition facility of such cinematographic film or other audiovisual work or its soundtrack, or any part thereof; x x x”

Kaya naaayon sa batas ang pagsuway sa iyo ng kawani ng sinehan sapagkat magiging paglabag sa batas kung sakaling itinuloy mo ang pag-video sa iyong mga anak at sa pelikula na inyong pinanood.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page