Mga Cong., tiba-tiba sa pork barrel kaya dedma sa dagdag-suweldo
- Pabs Hernandez III
- Dec 23, 2019
- 1 min read
CAYETANO, NAGPAMUDMOD NA NG ‘PORK’ AT X-MAS BONUS, MATAAS PA RIN ANG RATING SA SURVEY—Matapos ibulgar ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na nagsingit si Speaker Alan Peter Cayetano ng “pork barrel” sa 2020 National Budget at mabalitang nagpamudmod pa ito (Cayetano) ng tig-P150 K Christmas bonus sa staff ng mga cong. ay agad naglabas ng survey ang Pulse Asia na kesyo pumalo raw sa 80% ang trust rating at 76% approval rating ng House Speaker.
Parang hindi kapani-paniwala ang survey kasi hindi natuwa ang taumbayan sa “pork” ng mga kongresista at ipinamudmod na tig-P150 K sa staff ng mga cong. kaya paano nakakuha si Cayetano ng mataas na performance at trust ratings sa publiko? Buwisit!
◘◘◘
MAS IMPORTANTE SA MGA CONG. ANG ‘PORK’ KAYSA DAGDAG-SUWELDO—Hindi raw kasama ang mga kongresista sa mabibiyayaan sa urgent bill ni P-Duterte tungkol sa dagdag-suweldo sa mga taga-gobyerno.
Kunsabagay, balewala sa mga cong. ang kakarampot na dagdag-suweldo kasi mas importante sa kanila na magkaroon ng daan-daang milyon ‘pork barrel’ kada-taon, boom!
◘◘◘
SEC. AÑO AT GEN. GAMBOA, HINDI TINATALO SI GEN. DANAO KASI TAGA-DAVAO—Sa kabila na nagkalat na ang raket na jueteng, sakla, lotteng, video karera, drop balls, color games at sa dami ng mga naiuulat na “tongpats” collector sa CALABARZON ay hindi magawang kuwestiyunin nina DILG Sec. Eduardo Año at PNP-OIC Lt. Gen. Archie Gamboa si PNP-Region 4-A Director Gen. Vicente Danao, Jr. tungkol sa mga isyung ito.
Siguro, kaya hindi tinatalo nina Sec. Año at Gen. Gamboa si Gen. Danao kasi taga-Davao City ito? Period!





Comments