top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Bacoor, pinahina ang Makati; Cebu, perpekto ang home record

MC
Dec 23, 2019
2 min read

Photo: Maharlika Pilipinas Basketball League

Pumoste ng kani-kanilang panalo ang Bacoor Strikers at Cebu City Sharks sa Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season noong Sabado ng gabi sa SWU-Aznar Coliseum.

Nakalamang sa nanghihinang Makati Super Crunch ang Strikers 86-63, habang kailangan ng Sharks na manalasa sa fourth quarter sa bisa ng tikas ni Rhaffy Octobre upang gapiin ang General Santos Warriors, 72-66.

Binigo ng Strikers ang Crunch, na naglarong wala ang kanilang key players na sina Jeckster Apinan, Rudy Lingganay at Juneric Baloria at head coach Cholo Villanueva, para sa final score na 72-49 sa nalalabing 7:20 minuto at itala ang ika-19 na panalo kontra sa limang talo ay malagay sa second spot ng South division.

Habang dinedepensahan ang Warriors, 61-63, nagpakawala ang Sharks ng 10 straight points, anim ang nagawa ni Octobre, upang pangunahan na ang bentahe 71-63, sa nalalabing 2 minuto.

Pinanatili ng Sharks na malinis ang kartada sa sariling balwarte, 5-0, mula ng nakaraang season at ang mahalaga ay nanatiling pakay ang playoffs berth sa South na may 10-12 record.

Sa kabila ng pagkatalo, ang Warriors, na may 26 points at 8 rebounds mula kay Rob Celiz, ay napanatili ang 3rd spot sa South na may 15-8 kartada. Nakapagtala si PBA draftee William McAloney ng 19 points, 15 rebounds at 2 blocks para sa Sharks, kasunod ni Kraniel Victoria na may 16 points, 6 assists at 3 steals, habang si Octobre, ay may 11 points sa fourth quarter at 9 rebounds.

Sa pinagsamang lakas nina McAloney at Octobre, nanguna ang Sharks sa boards, 53-40. Hindi naapektuhan ang Strikers sa isang buwan na break, napahinga pa sila kung saan pinahina sa 33-11 ang kasagupa sa unang quarter. Namuno si Michael Canete sa Strikers para sa ika-19 na panalo kontra 5 talo sa South, may 18 points at 9 rebounds na nakatulong si Michael Mabulac sa bisa ng 14 points, si Gab Banal ay may 11 points at 14 rebounds at may 11 points si Mark Pangilinan.

Samantala, ang Super Crunch, na nakakuha ng 19 points mula kay Joseph Sedurifa, ay lagpak sa 20-5 at nasa ikatlong spot sa North division sa likod ng Manila Stars (20-4) at San Juan Knights (20-3). Ang 31-team MPBL ay magbabakasyon at babalik ang laro sa Enero 6, 2020.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page