80 pa nadale.. 7 nalason sa lambanog, patay
- V. Reyes
- Dec 23, 2019
- 1 min read

Pito ang kumpirmadong patay habang nasa 80 ang isinugod sa ospital kahapon, dahil umano sa pag-inom ng lambanog sa Laguna.
Mismong ang alkalde ng Rizal na si Mayor Vener Muñoz ang kumumpirma sa ulat.
“Katatawag lang ng aking municipal health doctor, 7 na ang patay,” ani Muñoz.
Galing umano sa iba’t ibang Christmas party ang lahat ng biktima subalit, iisa lang ang binilhan nila ng lambanog.
Samantala, nasa Philippine General Hospital (PGH) ang mga biktima at marami pa umano ang isinusugod.
“Iisang brand, iisang tindahan ang binilhan kaya napakarami,” hinala ni Muñoz.





Comments