'Wag lang mauwi sa hiwalayan… Juday, todo-tiis na lang sa mga pagkukulang ni Ryan
- Erlinda Rapadas
- Dec 22, 2019
- 1 min read

Photo: @ryan_agoncillo
Walang perpektong marriage maging sa hanay ng mga celebrities. Hindi nga lang nila ibinubuyangyang sa publiko ang mga personal na problema sa kanilang pagsasama.
Nabibigla na lamang ang lahat kapag nagdedesisyon na makipaghiwalay ang isang celebrity sa kanyang karelasyon.
At mas kapani-paniwala ang pag-amin ni Judy Ann Santos na may mga naging away sila ng kanyang mister na si Ryan Agoncillo na halos humantong na sa paghihiwalay.
Mabuti na lamang at napagtimbang-timbang ni Juday na hindi ang pakikipaghiwalay ang solusyon sa problema nilang mag-asawa at aminado siyang hindi niya kayang mawalan ng ama ang kanyang mga anak.
Ganu’n naman ang dapat na gawin ng isang babae kapag nagdesisyon nang magpakasal sa lalaking pinili niyang mahalin. Hindi naman kailangang magpakamartir si Juday.
Maaaring may ilang pagkukulang din si Ryan bilang asawa at padre de familia. Maaaring minsan ay may professional rivalry sa kanila ni Judy Ann at may kani-kanyang ugali at moods na dapat intindihin, unawain at tanggapin.
Kailangan lang ng respeto sa isa’t isa. Huwag sakalin ang karelasyon, bigyan ng space at “alone time” kung kinakailangan.
Marami namang magagandang traits si Ryan na babalanse sa kanyang pagkukulang. At madalas, nasa babae ang desisyon kung gusto niyang magtagal ang marriage.
For sure, hindi naman binubugbog ni Ryan si Juday.





Comments