Princess Eowyn vs. Super Sonic

Mahigpit na maghaharap ang walong mananakbo sa 47th ”Presidential Gold Cup Race na lalahukan ng mga piling kabayo sa San Lazaro Leisure Park (SLLP), Carmona, Cavite ngayong hapon.
Maghaharap ang mga alaga nina Sandy Javier ang Super Sonic at ni Edong Diokno ang Princess Eowyn, Sepfourteen, Summer Romance,Highway One, Pangalusian Island, Great Wall at Scarborough Shoal.
Nakalaan ang P3-M sa mananalong kabayo, samantalang tatanggap ng halagang P1-M ang tatanghaling 2nd place, habang tatanggap ng P.5-M ang 3rd place at tatanggap ng P300,000.00 ang tatanghaling 4th place na magmumula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Phillipine Racing Commission (Philracom).
Samantala, ipinapatok sa Race 1 ang Bugle Notes habang nagiging banta ang Shanghai Noon at nakalalamang ang Early Bird sa Condition Race (17) at magiging banta ang Genie Hello sa Race 2 kung saan magsisimula ang 1st Winner Take All.
Magsisimula ng 1st Pick 6 sa Race 3 at pinapaboran ang Princess Eowyn at kalaban ang Super Sonic at maglalaban-laban ang Toy For The Bigboy, Gintong Tubig at Go On Eugene sa Race 4 kung saan magsisimula ang Pick 5. Sa Race 5, magsisimula ang 2nd WTA pinapaboran ang Corazon laban sa Great Style, sa Race 6 ng 2nd Pick 5 balikatan ang magiging labanan ng Pretty Meadow at Momentum, habang sa Race 7 ay ipinapatok ang couple entry na Cannon Ball at You Never Know.
Sa Race 8, maglalaban ang Minalim, Konzeelan at Band of Halo habang ang Gee’s Song ang magsisilbing banta, maganda ang magiging laban sa Race 9 sa pagitan ng mga kalahok na Sari Baby at Patong Patong habang sa Race 10 nakalalamang ang App Da Bonus.
Nakalalamang ang Deal Maker habang magsisilbing kalaban ang couple entry na Rhaegal at Hidden Eagle at Ambet Ko To sa Race 11 habang sa Race 12 ipinapatok ang Time and Again.





Comments