top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Parak binentahan.. Ginang, huli sa P178-K shabu

  • Maeng Santos
  • Dec 22, 2019
  • 1 min read

Kulong ang isang ginang na tulak umano ng ilegal na droga matapos makumpiskahan ng P178,000 halaga ng shabu makaraang madamba sa buy-bust operation sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas ang naarestong suspek na si Annaliza Prada, 38, ng Malabon City.

Alas-11:30 ng umaga nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Charlie SJ Bontigao ang buy-bust operation kontra sa suspek sa Market 3, Bgy. NBBN, Navotas sa koordinasyon sa PDEA makaraan ang surveillance operation.

Sinunggaban ang suspek ng mga operatiba matapos tanggapin ang P300 marked money mula sa pulis na umaktong poseur-buyer kapalit ng sachet ng shabu.

Ani SDEU investigator PCpl Catherine Buella, nakumpiska sa suspek nang kapkapan ang buy-bust money, coin purse na naglalaman ng 43 sachets ng shabu na tumitimbang ng humigit- kumulang sa 26.6 gramo na tinatayang nasa P178,160 standard drug price at P400 bill.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page