top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mister nakaaway.. Misis tumalon sa condo, lasog

  • Mylene Alfonso
  • Dec 22, 2019
  • 1 min read

Basag ang bungo at nalasog ang katawan ng 31-anyos na babae makaraang tumalon sa roofdeck ng tinutuluyang condominium nang makaaway ang kanyang kinakasama kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Manila.

Kinilala ang biktima na si ‘Marie’, tubong-Guerrero Dingras, Ilocos Norte at residente sa isang condo sa Bgy. Muway, Mandaluyong City.

Batay sa imbestigasyon ni PMSG Allan Lingcong, alas-7:00 ng gabi nang mangyari ang insidente sa gilid ng Grand Residence 1 sa panulukan ng España Boulevard at G. Tolentino St., sakop ng Bgy.469 –Zone 46 sa Sampaloc.

Nagkaroon umano ng pagtatalo si ‘Marie’ at ang ka-live-in partner nito sa hindi pa malamang kadahilanan bandang alas-1:00 ng hapon.

Hanggang sa maisipan ng biktima na magtungo sa roofdeck, bago tumalon kung saan sinuyo pa ng kanyang kinakasama ang biktima nang tawagan sa cellphone.

Gayunman, ayaw nang makipag-usap ang biktima at sinabi nito na magpapakamatay siya.

Ilang sandali, nakarinig na lamang ng malakas na kalabog na bumagsak mula sa itaas hanggang makita ng mga nagpapatrulyang mobile patrol na mga tauhan ni P/Lt. Col. Alex Daniel, ang nakahandusay at duguang biktima kaya agad na kinordon ang paligid.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page