top of page
Pokwang.jpg

Manila Stars at Muntinlupa nanggulat sa Lakan Cup

MC
Dec 22, 2019
2 min read

Tinalo ng Manila Stars ang Bacolod Master’s Sardines nang makapatarak ng 87-70 victory noong Biyernes ng gabi sa Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season sa San Andres Sports Complex.

Parehong malakas sa opensa at depensa, nakahatak ang Stars ng 85-62 na kalamangan bago pumalaot sa ika-20 nilang panalo kontra sa apat na talo na pumatas sa Makati Super Crunch sa likod ng pacesetting na San Juan Knights (20-3) sa North division ng 31-team league.

Pinamunuan ni Carlo Lastimosa ang Stars sa bisa ng 22 puntos, 3 assists at steals, kasunod ni Mark Dyke na may 17 puntos at 10 rebounds, Aris Dionisio na may 17 puntos at Marvin Lee na may 12.

Sa kabila ng bagong mga roster, pinatunayan ng Bacolod na kaya nilang tapatan ang Frontrow Manila na nakagawa ng 22 turnovers sa kabila ng maraming steals, 14-7 at lima ang mula kay Lastimosa.

Ang Bacolod ay yumuko sa playoffs contention na may 8-16 na panalo talong karta ay may 17 points mula kay high-leaper Yankee Haruma, 11 points at 10 rebounds mula kay Ben Adamos at 11 points mula kay Pao Javelona.

Ginulantang ng Muntinlupa ang Iloilo United, 96-92 habang ang Valenzuela ay nanaig sa Sarangani, 89-84 sa unang mga laro.

Nangibabaw si Biboy Enguio para sa Muntinlupa na may 26 points at 10 rebounds at suporta mula kay Edsel Mag-isa sa 14 points, habang may 11 kina JG Ylagan at Paeng Regubio.

Nakagawa sa Iloilo ng 21 points si Aaron Jeruta at 18 si Alfrancis Tamsi mula sa tres.

Naglaro kagabi ang MPBL sa Southwestern University Aznar Coliseum kung saan nagsagupa ang Makati at Bacoor ng 7 p.m. habang ang General Santos ay kontra Cebu ng 9 p.m.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page