Malaking premyo at International Ranking sa DreamBig Gold series

Sasamantalahin ng Filipino Junior Tennis players na lumahok sa DreamBig Gold Series Tennis Camp and Tournament sa Manila Polo Club sa Enero 9, 12, 2020 habang ginagabayan ng top collegiate tennis coaches mula sa Division 1 colleges sa U.S.
Tatlong NCAA Division 1 coaches kabilang na si Rob Raines ng Cornell University sa New York at Jessie Freeder ng Boston University ang mangangasiwa sa three-day camp tournament kung saan magtatagisan ng talent ang mga batang atleta.
Ang mga kalahok ay makatatanggap ng Universal Tennis Ranking (UTR) sa camp na hindi na kailangang mag-abroad pa. Susukatin ng UTR ang skills ng mga atleta base sa objective, consistent at accurate methods maging ang kanilang skill level kumpara sa iba pang players sa buong mundo worldwide.
Ang UTR ang pagbabatayan sa rating ng international coaches.
Bawat kalahok ay makatitipid ng USD 5,000 kung sa Manila lalahok dahil mas magastos sa airfare, board at lodging para sa bawat atleta at chaperone, ocal transport expenses at miscellaneous cost that, kasama ang tuition na aabot ng USD 6,200.
Samantalang ang participation fees sa DreamBig Tennis Camp sa Manila ay may halaga lang na USD1,000. Ang hotel stay kung kailangan ay mas matipid kumpara sa dolyar na babayaran.
“Joining the DreamBig Gold Series Tennis Camp in Manila will take out a huge chunk of expenses as parents need to spend just roughly USD1,000 for such world-class training.
This includes the opportunity to be scouted by the best collegiate coaches for almost one-fifth the cost of attending such college tennis camps in the States is more than worth it,” ayon kay Akshay Maliwal, DreamBig founder at CEO, na nais bigyan ng oportunidad ang marami pang Asian players.
Ang DreamBig Camp ay bahagi ng serye simula sa New Delhi kasunod ng Singapore sa Enero, at sa Manila ang last leg.





Comments