top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kakukuha lang ng loan.. Bgy. nutritionist hinoldap, pinatay

Levi Gonzales
Dec 22, 2019
1 min read

Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang barangay nutritionist matapos tagain sa likod at gilitan sa Sitio Nalubog, Bgy. Hardinan, Gumaca, Quezon. Pasado alas-2:00 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Berlin Obligado, 27, may asawa, residente sa nasabing lugar.

Tadtad ng taga sa kamay, likurang bahagi ng katawan at may gilit na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Base sa imbestigasyon, kakukuha lamang ng loan ng biktima at posibleng inabangan at hinoldap ito bago nanlaban sa suspek.

Tukoy na ang primary suspect bagama’t, hindi muna ito pinangalanan. Samantala, nawawala rin ang mga mamahaling kagamitan ng biktima kasama na ang perang hindi pa malaman ang halaga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page