top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Fil-Am Clarkson, nanalasa sa Cavaliers vs. Grizzlies

MC
Dec 22, 2019
1 min read

Nanguna si Fil-Am player si Jordan Clarkson sa pananalasang laro para sa Cleveland Cavaliers upang gapiin ang Memphis Grizzlies, 114-107 sa NBA game kahapon.

Nakapagtarak si Clarkson ng season high 33 puntos kasama na ang anim na tres puntos. Ganado rin sa kanyang laro si Kevin Love na nakagawa ng 21 points at 13 rebounds at sila na ang nagtulong para itarak ang ika-walong panalo ng Cavs ngayong season.

Pinuri sila ng bata pa nilang head coach sa Cavaliers na si John Beilein dahil sa laki ng kanilang naiambag sa laro at sipag sa 4th quarter kasama na ang napakahusay na opensa ni Clarkson.

Nakaalagwa ang Cavaliers mula sa 12 puntos na pagkaiwan sa unang kalahati ng fourth quarter hanggang sa makadikit na sila sa kalamangan ng Grizzlies.

Umabot sa 25 ang palitan ng liderato ng magkaribal at may 16 na ulit na nagtabla ang dalawa. Pangalawang sunod na ito ng kabiguan ng Memphis (10-19) habang ang Cleveland (8-21) ay nakapagposte ng dalawang panalo mula sa unang laro sa Hornets, 100-98.

Sa Grizzlies, sa Martes idaraos ang laban nila ng Sacramento habang ang Cavaliers ay sasagupa kontra Atlanta Hawks.

Samantala, nagsanib-puwersa sina Jaylen Brown at Jayson Tatum para sa tig-26 points para manalasa sa unang tatlong quarters para talunin ng Boston Celtics ang Detroit Pistons sa 114-93 final score.

Ang panalo ng Boston para sa ika-19 na hindi nakapaglaro si Gordon Hayward ay nasundan din ng matamlay na mga tira ni Kemba Walker.

Sinamantala rin ng Celtics ang kamalasan ng Pistons na umabot sa 25 ang turnovers. Nanalasa ang Boston sa pamamagitan ng 58-34 at lalo na sa rebounding, 51-36.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page