top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Sobrang dumami ang blessings dahil sa aktor, Julia… Yassi, ipinagsigawan sa SocMed na mahal si Coco

  • Beth Gelena
  • Dec 21, 2019
  • 2 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: @yassipressman

Kung may post si Yassi Pressman ng pasasalamat niya sa screen partner na si Coco Martin for being a ‘bestest friend,’ aba, hindi rin nagpahuli si Julia Montes sa pagpo-post sa kanyang soc­med ng pagsuporta sa Ang Probinsyano actor para sa MMFF 2019 entry nitong 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.

Parehong malapit sa puso ng dalawang aktres si Coco. Ani Yassi sa kanyang soc­med, kung saan ang larawan niyang shinare ay kuha nu’ng nag-show ang A.s.a.p. Natin ‘To kasama ang cast ng Ang Probinsyano: “Hi,hi. Nakapasyal din ang on screen partner na sina Cardo at Alyana.

“… Pero sa totoong buhay din naman, napaka­rami kong ipinagpapasalamat sa partner kong ito.

“Thank you for being one of my bestest friends. You’re truly a blessing to everyone at mahal ka naming lahat.”

Eto naman ang post ni Julia sa kanyang socmed, bi­lang pagsuporta sa MMFF 2019 entry ni Coco.

“Anim na araw na lang mga Ka-Laffabol. Excited na ang buong tropa para sa INCREDIBLE bondingan nga­yong Pasko ng #3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.”

Ayon sa mga netizens, nagpaparinigan daw ba ang da­lawang aktres?

“Parinigan ba ‘yung dalawa? Guwapo naman talaga ni Coco!”

May na-friendzone raw at nag-friendzone. Kung sino man kina Yassi, Coco at Julia, sila lang ang nakakaalam.

Tanong pa ng iba, may hidwaan daw ba ang dalawang aktres? Mukha raw kasing may nai-insecure na sa dala­wang ito.

Si Yassi raw ay natatakot nang baka mapalitan ni Julia sa Ang Probinsyano. Si Julia naman ay unti-unti nang lumalabas sa kanyang lungga at ipinapakita na ang pag­mamahal sa aktor sa pamamagitan ng mga pagpo-post sa kanyang social media.

Bandang huli, heto ang comment ng isang netizen: “Diyos ko, hindi pa din aamin ‘yang si Coco dahil na­pa­pakina­bangan pa niya ‘yung mga nauuto niyang fans lalo na ‘yung CY. Money and fame ang mas importante sa kanya kesa love life niya.”

Hmmm… Ano kaya ang masasabi ni Coco sa ko­men­tong ito ng netizen?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page