top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Online gaming company, ni-raid.. 342 illegal Chinese workers, arestado

  • Madel Moratillo
  • Dec 21, 2019
  • 1 min read

Photo: reuters

Huli ng pinagsanib na mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) at pulisya ang 342 Chinese nationals sa ginawang raid sa isang online gaming company sa Bago Bantay sa Quezon City.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang mga naarestong dayuhan ay nagtatrabaho na walang permit at visa.

Nang makipag-ugnayan ang BI sa PAGCOR, napag-alaman na lisensiyadong Philippine Offshore Gaming Operator ang kumpanya pero, kahit may lisensiya hindi pa ito pinapayagang makapag-operate dahil wala pa silang permit.

Ayon kay BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr., napag-alaman nilang ilang pangalan na rin ang ginamit ng kumpanya at kaya naman duda nila na front lang ang kumpanya ng kanilang ilegal na cyber activities at investment scam.

Sa pakikipag-ugnayan ng BI sa gobyerno ng China, napag-alaman nilang sangkot din ito sa mga ilegal na aktibidad.

Kinansela na rin ng Chinese government ang pasaporte ng mga ito kaya maituturing na silang undocumented.

Ang 342 ito ay nakadetine sa temporary holding facility sa Camp Karingal sa Quezon habang inaayos ang kanilang deportation.

Tiniyak ni Morente na hindi sila titigil hangga’t hindi nalilinis ang bansa mula sa mga dayuhang ilegal na pumapasok sa bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page