top of page
Pokwang.jpg

NU Bulldogs, back-to-back champion ng Freego Cup

VA
Dec 21, 2019
1 min read

Photo: tempo.com

Pinadapa ng reigning UAAP champion National University ang NCAA titlist San Beda University,105-80,upang tanghaling kauna-unahang back-to-back champion ng Philippine Secondary Schools Basketball Championship-Freego Cup noong Huwebes ng hapon sa SGS Stadium sa Quezon City. Tuluyang nilayuan ng Bullpups ang Red Cubs sa third period sa pamumuno ni Gerry Abadiano at maagang tiniyak ang panalo pagkaraang lumamang ng 26 puntos, 80-54.

Isinalansan ng 5-foot-11 na guard ang 29 sa kabuuan niyang 35 puntos sa unang tatlong periods. Kasunod naman niya sina Terrence Fortea na may 23 puntos, Carl Tamayo na umiskor ng 14 puntos at Kevin Quiambao na nagtala ng 12 puntos.

Tila iginapos ng Bullpups ang mga kamay ni Red Cubs star at back-to-back tournament MVP Justine Sanchez na nalimitahan nila sa 3 puntos. Nagwagi namang Finals MVP si Abadiano.

Samantala, nagtapos namang pangatlo ang Far Eastern University sa torneo pagkaraang igupo ang Ateneo, 82-76. Ang napanalunang titulo ang ika-12 sunod para sa NU makaraan nilang magwagi sa UAAP, Palarong Pambansa, NBTC at ASEAN Schools Championships.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page