Nigerian Diouf, handa na sa next playing years sa UP-UAAP
- VA
- Dec 21, 2019
- 1 min read

Isang taon bago sila tuluyang iwan ng kanilang Nigerian slotman na si Bright Akhuettie, pinaghahandaan na ng University of the Philippines ang nakatakdang pagtatapos ng playing years nito sa UAAP.
Base sa ilang mga insiders, nakatakdang lumipat sa papasok na taong 2020 sa UP ang Centro Escolar University big man na si Malick Diouf para pumalit sa puwestong maiiwan ni Bright.
Ang paglipat ni Diouf ay may pahintulot naman umano ng pamunuan ng CEU at mga team officials ng Scorpions.
Sa paglipat niya sa UP, ang 20-anyos na si Diouf ay nakatakdang mag-serve ng isang taong residency bago makapaglaro sa susunod na season.
Ngayong darating na UAAP Season 83 ang huling taon ni Akhuettie sa UAAP. Sa kanyang naging stint sa Scorpions, napunuan naman ni Diouf ang naiwang puwang ni dating big man Rod Ebondo.
Pinangunahan ng 6-foot-11 na si Diouf ang CEU sa 2019 NCRAA championship, second place finish sa 2019 PBA D-League Aspirants’ Cup at dalawang runner-up finishes sa UCBL.





Comments