Nag-utos sa pagpupol sa mga puno sa kagubatan, lagot, puwede ring maipatapon ng bansa
Dear Chief Acosta, Mahigit 10 taon nang nakatira ang aming pamilya malapit sa kagubatan. Noong nakaraang linggo ay napag-alaman naming ipinaputol ng malaking korporasyon ang ilan sa mga puno sa nasabing gubat nang walang kaukulang pahintulot. May batas ba na maaaring maging basehan upang sila ay managot sa kanilang ginawa? — Mark
Dear Mark, Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Presidential Decree 705 o mas kilala sa tawag na Revised Forestry Code. Nakasaad sa Section 68 nito na:
“Section 68. Cutting, gathering and/or collecting timber or other products without license. Any person who shall cut, gather, collect, or remove timber or other forest products from any forest land, or timber from alienable and disposable public lands, or from private lands, without any authority under a license agreement, lease, license or permit, shall be guilty of qualified theft as defined and punished under Articles 309 and 310 of the Revised Penal Code; Provided, That in the case of partnership, association or corporation, the officers who ordered the cutting, gathering or collecting shall be liable, and if such officers are aliens, they shall, in addition to the penalty, be deported without further proceedings on the part of the Commission on Immigration and Deportation. x x x”
Ayon sa nasabing batas, maparurusahan ang mga opisyal ng nasabing korporasyon na nag-utos sa pagpuputol ng mga puno sa kagubatan nang walang kaukulang pahintulot alinsunod sa Articles 309 at 310 ng Revised Penal Code kung saan nakasaad na ang parusa ay naaayon sa halaga o value ng puno. Made-deport din ang nasabing opisyal kung siya ay dayuhan.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.





Comments