Gilas, may tig-100k mula sa PBA nang maka-gold sa SEAG

Biniyayaan ng Philippine Basketball Association (PBA) ng tig-P100,000 ang bawat miyembro ng Gilas Pilipinas nang maka-gold medal sa nagdaang 30th Southeast Asian Games.
Kasama rin sa nabiyayaan ng cash incentives, ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial ang players ng 3×3 basketball.
Binubuo ang Gilas Pilipinas team nina Japeth Aguilar, June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, Vic Manuel, Stanley Pringle, Kiefer Ravena, Troy Rosario, Chris Ross, Greg Slaughter, Christian Standhardinger, LA Tenorio, at Matthew Wright.
Samantala, ang mga miyembro ng 3×3 basketball ay sina Chris Newsome, CJ Perez, Jason Perkins at Mo Tautuaa.
Hindi pa kasama ang naturang cash incentives sa nakasaad sa batas na may tig-P75,000 na bibigyan ang mga manlalaro sa isang koponan na mayroong mahigit limang mga miyembro.
Maaalalang nangibabaw ang Gilas Pilipinas sa ika-18 pagkakataon sa nasabing malaking torneo.





Comments