top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Extension ng kontrata ng Manila Water at Maynilad hindi na kakanselahin ng gobyerno

  • Ka Ambo
  • Dec 21, 2019
  • 2 min read

Hindi na kakanselahin ang concession agreement ng Maynilad at Manila Water.

Pwes, magandang balita dahil tuloy ang serbisyo ng tubig!

◘◘◘

MAKAKAHINGA nang maluwag ang may 18 milyong residente ng Kamaynilaan sa ulat na pumayag ang gobyerno na pag-usapan ang probisyon sa kontrata.

Hindi na kailangan ang “santong pukpukan” kung puwede naman ang “santong usapan”!

◘◘◘

NILINAW ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang pag-uusap na ito ay maaaring mangyari pagkatapos ng unang cabinet meeting sa 2020.

Sinabi ni MWSS Administrator Emmanuel na hindi binawi ang extension ng kanilang mga kontrata kundi ang binawi lang ay ang MWSS Board Resolution kaugnay sa terms ng extension!

◘◘◘

SA totoo lang, ang pagsasapribado ng serbisyo sa tubig noong 1997 ay malaking tulong.

Noong hawak ng gobyerno ang distribusyon ng tubig, nagkaletse-letse ito dahil sa korupsiyon kung saan kaliwa’t kanan ang illegal connection!

◘◘◘

AYON sa ekspertong si Romeo Bernardo, dating DOF undersecretary, ang Maynilad ay gumastos ng P208 bilyon habang ang Manila Water naman ay P166 bilyon para maikonekta ang mga tirahan sa Metro Manila sa water system ng MWSS.

Nabawasan din ang mga nasasayang na tubig dahil sa sirang mga tubo at ninanakaw na supply!

◘◘◘

AYON kay dating NEDA Secretary Cielito Habito, hindi niya lubos-maisip kung saan tayo pupulutin kung hanggang ngayon ay gobyerno pa rin ang mamamahala sa pag-supply ng tubig sa Metro Manila.

“Ang dalawang kumpanya ay palaging nasa ilalim ng mahigpit na pagbabantay ng gobyerno, kaya hindi sila pababayaang kumita ng napakalaki at gatasan ang publiko,” ayon pa rin kay Habito!

◘◘◘

MAY tubig na ngayon ang nasa 99 porsiyento ng Metro Manila, dahil ‘yan ang nasa kontrata ng dalawang concessionaires.

Kailangan nilang mag-supply ng tubig sa milyun-milyong lugar sa bansa!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page