Dec. 23, 24, 26, 27, 31 at Jan. 2, 2020.. Walang coding

Suspendido ang Unified Vehicle Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding para lamang sa provincial buses ngayong Holiday Season.
Ito ang inihayag kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sa abiso ng MMDA, suspendido ang number coding ng mga provincial buses sa Disyembre 23, 24, 26, 27, 31 at Enero 2, 2020. Layunin nitong maserbisyuhan ang maraming pasahero na mag-uuwian sa kani-kanilang probinsiya upang doon magdiwang kasama ang kanilang pamilya sa Pasko at Bagong Taon.
Kaugnay nito, pinaaalalahanan ng MMDA ang lahat ng enforcement unit na bawal silang manghuli ng lahat ng provincial buses para sa UVVRP o number coding violation sa mga nabanggit na petsa.





Comments