Bullet Proof, ipinapatok sa WTA

Mahigpit na maglalaban ang mga kalahok sa Condition Race at 2 Year Old Maiden Race sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite ngayong araw.
Kasabay nito, dalawang Winner-Take-All (WTA) at Pick 5 ang magaganap habang tig-isa sa Pick 6 at Pick 4 sa 1,400 meters at 1,300 meters na distansiya.
Maghaharap sa Race 1 ang 13 mananakbo at ipinapatok ang Bullet Proof, habang makakalaban ang Sizzling Hot, Doktora at Sheer kung saan mag-uumpisa ang WTA.
Sa Race 2, nakalalamang ang Clair Voyant habang makakalaban ang My Dear Magnolia. Sa Race 3, na panimula nang 2nd WTA at maglalaban ang Rock The Race, Mellifluous at Gee’s Prize.
Sa pagsisimula ng 1st Pick 5 sa Race 4 ipinapatok ang American Factor habang magsisilbing banta ang Blue Mystic at Golden Double.
Sa Race 5, simula ng Pick 6, nakalalamang ang Full Steam habang makakalaban ang Und Kantar at couple entry na Elle Street, Forest Cover.
Sa Race 6, sinisiguro ang Baling Rikit habang maakakalaban ang Double Rock at at Artikulo Uno.
Sa Race 7, nakalalamang ang Himpapawid habang makakalaban ang Couple Entry ng Only One at Prince Popeye at magsisilbing banta ang Apollo Aquila.
Sa Rce 8, ipinapatok ang Isa Pa Isa pa habang Humuhumunukunuku ang makakalaban.
Sa Race 9 balikatan ang magiging laban ng couple entry Hamlet at Lemonada at Stella Malone sa Condition Race Merged (10).
Ipinapatok ang Pride of Laguna habang makakalaban ang Two Timer at Abel Iloko sa paghaharap sa Race 10.





Comments