top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

30th SEAG performances, ipinamalas ng MILO Champions

MC
Dec 21, 2019
2 min read

Bukod sa napanalunan ng Pinoy athletes ang puso at paghanga ng lahat ng mamamayang Filipino, ang disiplina, tiyaga at sipag nina MILO Champions Carlos Yulo, Kiefer Ravena, Pauline Lopez, Mary Joy Tabal at Alyssa Valdez ay pawang mga naghatid ng karangalan at ipinagmamalaki ng buong bansa.

Malugod na binati ng energy drink brand ang mga nabanggit na sports ambassadors dahil sa kanilang naging impresibong medal finishes, sipag at pagsisikap sa 30th SEA Games kung saan nakamit ng Pilipinas ang overall championship na nanaig sa iba pang 10 bansa na humakot ng kabuuang 387 medals.

“The 30th Southeast Asian Games marked another historic milestone for the advancement of Philippine sports,” ayon kay Nestlé Philippines-MILO Vice President Veronica Cruz. “As a longstanding partner and advocate, MILO is honored to be a part of the journeys of Caloy, Kiefer, Pauline, Mary Joy, and Alyssa while remaining steadfast in building a nation of champions, bannering our one Laban Pilipinas battlecry”

Matatandaang si Yulo ay naglalaro pa lamang noon sa mga kalye kasama ng mga kaibigan bago sumabak sa Milo Little Olympics.

Siya ang unang Pinoy gymnastics world champion at ikalawang Pinoy na nagkuwalipika para sa Tokyo 2020 Olympics, Nagpatuloy ang pag-angat ng kanyang galing sa harap ng mga kababayan sa unang pagkakataon, nakasungkit ng 2 gold medals sa all-around at floor exercise at 5 silvers (pommel horse, steady rings, vaults, parallel bars at horizontal bar).

Bago pa man umani si Lopez ng iba’t ibang awards maging sa ibang bansa, nagwagi na siya sa 2008 MILO-PTA (Philippine Taekwondo Association) tournament ng gintong medalya.

Bilang isa sa pinakabagong ambassadors, ipinagpatuloy niya ang lakas ng Pinay sa kanyang larangan at sa timbang niyang 57 kgs. gold medal victory. Sa hawak niyang ika-5 diretsong SEAG gold medal sa men’s basketball, ipinagmamalaki ni Ravena ang lakas sa pagbabalik.

Pinatunayan ng Milo Best Center 2001 graduate at longtime ambassador na mali ang marami at hindi na dapat pang kuwestiyunin ang kanyang dedikasyon para sa bansa bagamat inihabol lang siya sa line-up ng team.

Ang 6-time reigning National Milo Marathon Queen na si Tabal at unang Pinoy marathon Olympian na nagbigay lahat ng kanyang husay sa kanyang silver medal finish sa women’s marathon.

Optimistiko sa iba pang mga torneo sa 2020 sa pagsabak niya sa Tokyo 2020 Marathon at nais na magkuwalipika sa 2020 Olympics.

Matagal nang iniidolo si Valdez bagamat, nalagay lang sa 4th place ang kanilang team sa 30th SEAG. Nanatili pa rin ang Milo sports ambassador at volleyball MVP sa kanyang determinasyon na magwagi ng medalya para sa bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page