top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Pukpukan ang labanan sa MMTCI

Ding Taboy
Dec 20, 2019
1 min read

RENDA at LATIGO

Bakbakan ang magiging labanan ngayong gabi sa bibitawan na walong karera sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) Malvar, Batangas.

Sa pagpapatuloy ng 2019 Philracom Christmas Racing Festival sa tagpo ng Additional One Win in Group Races sa distansiyang 1,200 meters. Magaganap ang Winner Take All (WTA), Pick 6, Pick 5, Pick 4 at Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six. Maghaharap ang apat na mananakbo na kinabibilangan ng Heneral Kalentong, Parokya ni Paolo, Rivine Master at Kiwi Rose at pinapaboran ang Heneral Kalentong sa tagpo ng 2 Year Old Group Race (7) sa Race 1 na umpisa ng 1st Pick 5.

Sa Race 2, magsisimula ng WTA, nakalalamang ang couple entry na Born Unto Battle at Bungangera habang makakalaban ang Pinamalayan at Ziqqy. Sa Race 3, na panimula nang Pick 6 nakalalamang ang Wakanda habang ang Malatan Og Falls ang makakalaban.

Sa pagsisimula ng 2nd Pick 5 sa Race 4 nakalalamang ang She My Princess habang makakalaban ang Wiling Willie at Believe Me. Sa Race 5, simula ng Pick 4, nakalalamang ang Birth Right habang makakalaban ang couple entry na Good Reason at Peace of Mind at Excumunicado sa 2 YO Maiden Race.

Sa Group Race 10, maghaharap ang siyam na kabayo sa Race 6 at nakalalamang ang Mount Pulag at makakaharap ang Himig at isama sa Trifecta ang Johnny Be Good. Sa Race 7, maglalaban-laban ang mga kalahok na Boy Sofmeadow at couple entry na A Certain Smile at Big Scoop at couple entry na Suzie Cat at Put Atigerinurtank. Ipinapatok ang Old Timer at makakalaban ang Crown in My Head sa Race 8.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page