Pamilyang hari-harian sa Pinas, next sa mga Ampatuan
Hinatulan nang guilty ang Pamilya Ampatuan kaugnay sa Maguindanao massacre.
Klap-klap-klap!
◘◘◘
SINU-SINO pa ba ang pamilya na naghari-harian sa bansa?
Dapat silang kasuhan, after 10 years, saka sila hapan!
◘◘◘
MARAMI na ang gumigire sa 2022 elections.
Ilan sa kanila ang “Ampatuan”?
◘◘◘
WALA nang takot sa African Swine Fever (ASF).
Puwede nang maglitson!
◘◘◘
MAY sakit daw si ex-P-Noy.
May sakit din si Kris.
Malungkot ang Pasko ng magkapatid!
◘◘◘
BONGGA ang birthday ni Sen. Manny Pacquiao.
Mas masaya kaysa sa X-mas!
◘◘◘
WALANG ulan sa Simbang Gabi.
Walang bendisyon si Lord!
◘◘◘
ANONG kapangyarihan mayroon ang mga peryante?
Isinarado nila ang mga kalye para sa illegal na sugal!
◘◘◘
NAKAKATAWA ang gobyerno at PNP, tinatanggal ang vendor sa bangketa at isinasarado ang kalye para makapagpasugal.
Isang mapait na katotohanan!
◘◘◘
MARAMING pasahero sa airport ang hindi umaabot sa oras ng flight dahil sa trapik.
Hindi ito nasosolusyunan, bagkus, pinagagrabe pa ang sitwasyon!
◘◘◘
ANG sanhi ng trapik ay ang sobrang korupsiyon sa lahat ng antas ng pamahalaan.
Walang solusyon dito.
Tiis lang talaga at ibayong pasensiya.
‘Yun lang, ganu’n lang!





Comments