P700 kada kilo.. Presyo ng siling labuyo, ginto!
- V. Reyes
- Dec 20, 2019
- 1 min read

Sumipa ng hanggang P700 ang presyo ng bawat kilo ng siling labuyo sa Metro Manila.
Batay sa monitoring ng Department of Agriculture (DA), may mga palengke na ipinagbibili ang kada kilo ng siling labuyo mula P350 hanggang P500.
Gayunman, sa Kamuning Market sa Quezon City ay umaabot ng pinakamataas na presyong P700 kada kilo.
Mayroon ding nagbebenta ng P1 hanggang P2 kada piraso.
Ikinakatwiran ng mga tindera ng Kamuning na kakaunti lang ang suplay ng siling labuyo dahil na rin sa sunud-sunod na bagyo.
“Market forces at hand. It’s a function of law of supply and demand,” paliwanag ni Agriculture Secretary William Dar.
“Kung hindi sila nagtanim early, male-late ‘yun. Baka magha-harvest pa, January,” dagdag nito.





Comments