top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Nakuryente.. 14-anyos nag-selfie sa Christmas tree, patay

V. Reyes / Levi Gonzales
Dec 20, 2019
1 min read

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang 14-anyos na babae makaraang makuryente sa dekorasyong Christmas lights sa Mulanay Port, Quezon, kamakalawa ng gabi.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagse-selfie ang biktimang si Pricila Peñaflor nang aksidente nitong mahawakan ang open live wire na konektado sa Christmas lights.

Hindi na umano nahila ng kanyang mga kasama ang biktima dahil sa takot na maging sila ay makuryente rin hanggang sa bumagsak ito sa sahig.

Nang mapatay na ang main switch ng linya ng kuryente, dinala na sa Catanauan District Hospital ang biktima subalit, hindi na rin umabot ng buhay.

Inaalam na ng pulisya kung nagkaroon ng pagkukulang o kapabayaan ng tanggapan na namamahala sa mga dekorasyon at Christmas lights sa naturang pantalan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page