top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

MVP, hindi nasindak ng bantang sampal ni P-Digong, laban!

  • Pabs Hernandez III
  • Dec 20, 2019
  • 2 min read

MABAGAL MAN ANG USAD NG KASO, SA HULI AY NAKAMIT DIN NG MAGUINDANAO MASSACRE VICTIMS ANG HUSTISYA — Makalipas ang 10 taon, walang takot na hinatulan ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Quezon City Regional Trial Court ng ‘guilty of 57 counts of murders’ o reclusión perpetua ang kilabot na Ampatuan Brothers, iba pang mga kamag-anak at tauhan nila kaugnay sa pag-massacre sa 58 katao kabilang ang 32 journalists, 20 Mangudadatus, lawyers at supporters at 6 na passersby sa Maguindanao noong Nov. 23, 2009.

Mabagal man ang usad ng kaso, sa wakas ay nakamit din ng mga biktima ang hustisya.

Para kay Judge Reyes, saludo sa inyo ang taumbayan, palakpakan naman d’yan!

◘◘◘

MVP, HANDANG MAKIPAGSAMPALAN KAY P-DUTERTE? — Hindi nagpasindak si Manny V. Pangilinan sa banta ni P-Duterte na sasampalin siya (pati ang mga Ayala) at ipate-takeover sa militar ang kanilang kumpanya dahil ang paniniwala ng pangulo, talo ang gobyerno sa pinasok na kontrata sa dalawang water firms.

Sabi ni MVP, hangga’t siya ang boss ng Maynilad, walang sinuman ang maaaring umangkin ng kanilang kumpanya na parang sinabi rin niyang kapag iniutos ng pangulo na i-takeover ang kanilang water firm ay handa rin siyang makipagsampalan kay P-Duterte, ha-ha-ha!

◘◘◘

CAYETANO, GALANTE SA PAMIMIGAY NG PERA NG BAYAN — Napakagalante ni Speaker Alan Peter Cayetano kasi matapos niyang bigyan ng tig-P500 milyong pork barrel, este, pang-“projects” ang mga kongresista, pinagbibigyan din daw niya ng tig-P150K Christmas bonus ang mga empleyado ng House of Representatives.

Okay lang kung sariling pera ni Cayetano ang kanyang ipinamimigay, pero ang problema, ang ipinamumudmod niya ay pera ng bayan, buwisit!

◘◘◘

TAGA-CUSTOMS NA MAY RAKET NA JUETENG AT LOTTENG, DAPAT IMBESTIGAHAN NG PACC — Isang taga-Customs na nagngangalang “Sherwin” ang may kontrol daw ngayon ng raket na jueteng at lotteng sa Caloocan City.

Kailan kaya magkakainteres si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Dante Jimenez na imbestigahan ang mga anomalyang ito ni “Sherwin”? Abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page