Juniors champion ng UAAP at NCAA sa finals ng Freego Cup
- VA
- Dec 20, 2019
- 1 min read

Magsasagupa gaya ng inaasahan ang mga juniors champion ng UAAP at NCAA sa finals ng 8th PSSBC-Freego Cup championship matapos nilang magsipagwagi sa kani-kanilang katunggali sa semifinals sa SGS Stadium sa Quezon City. Sa pamumuno ni Batang Gilas standout Carl Tamayo, umusad ang reigning UAAP champions National University Bullpups matapos iposte ang 93-66 panalo kontra Ateneo Blue Eaglets. Pinataob naman ng NCAA titlist San Beda Red Cubs ang Far Eastern University Baby Tamaraws, 103-76, upang makasulong sa kampeonato at magkaroon ng pagkakataon para tanghaling 3-time champion ng event. “Expect early fireworks because these teams have statements to make and a tradition to protect,” wika ni PSSBC chairman at Freego big boss Eduard Tio. “You’re going to love this game.” Nanguna naman para sa Red Cubs si Justine Sanchez na sa loob lamang ng 16 na minuto off the bench ay nagtala ng 24 puntos mula sa perpektong 8-of-8 shooting kabilang ang dalawang triple.





Comments