Hindi raw niya ma-explain… Vice, ipinagsigawang magic ang pagmamahalan nila ni Ion
- Mercy Lejarde
- Dec 20, 2019
- 1 min read

Photo: @praybeytbenjamin
Sa The Mall, The Merrier grand mediacon ay natanong ni yours truly si Vice Ganda na halimbawang sinabihan siya ni Quiboloy ng… “Vice Ganda, puwede ba akong sumama sa inyo ni Ion Perez para mag-mall?” sasagutin ba niya ng “STOP”?
Ang tanging sagot ni Vice, “I love you!”
Another tanong… “Vice, ano’ng magic ang nakita mo kay Ion Perez or ano’ng mga katangian ang nakita mo sa kanya para mahalin mo at dyowain?”
Ang sagot niya ay… “It just happened. Hindi ko ma-explain, eh. Hindi mo rin naman masasabi kung kailan siya mangyayari at kung bakit. It just happened because it’s magic.”
Wow, kunsabagay, may point siya, ha?! Sabi nga ng mga inlavey, falling in love is wonderful, you feel young… you feel good all the time… you feel always on top of the world... laging may kilig and elya factor, yes may ganerrrn, ‘noh!
At ito marahil ang nararamdaman sa isa’t isa nina Vice Ganda at Ion Perez, ke mereseng pareho sila ng gender ‘coz love knows no gender, no age and you always feel inspired, yes, ganernnn, ganerrnn!
And the more you fall in love, the merrier, ‘ika nga. Oh, ha, pasok sa title ng pelikula nilang The Mall, The Merrier na entry din sa MMFF 2019 showing this coming December 25.





Comments