Finals, naaamoy na ng KaTropa!

Pinindot ng TNT KaTropa ang 2-1 serye matapos nilang pagulungin sa pahirapan na laban ang Meralco Bolts, 101-97 sa Game 3 ng PBA Governor’s Cup best-of-five semifinals sa Araneta Coliseum. Namuno sa opensa si Troy Rosario pero si import KJ McDaniels ang sumalpak ng pandiin na dalawang puntos sa bandang dulo ng laban. Sumalaksak si Jayson Castro at nagmintis ito pero umangat si McDaniels para sa put back kaya nahawakan nila ang tatlong puntos na bentahe, 100-97 may 37 segundo na lang sa orasan. Tumikada si Rosario ng 25 points habang 18 pts. at 14 rebounds ang inambag ni McDaniels para sa KaTropa na isang hakbang na lang at sampa na sila sa finals.
Kumislap agad ang boltahe ng Meralco sa simula ng laban, kinapitan nila ang siyam na puntos na bentahe, 51-42 sa unang dalawang periods. Nag-iba ang ihip ng hangin sa third canto, naagaw ng KaTropa ang bandera matapos magtala ng tatlong sunod na treys, isa kay Jayson Castro at dalawa kay Roger Pogoy para sa 66-64 may 3:49 minuto pa sa orasan. Lumaki pa ang lamang ng TNT, 77-71 papasok ng fourth quarter. Parehong ayaw magpatalo ng KaTropa at Bolts sa payoff period Samantala, abante na ang Barangay Ginebra Gin Kings sa kanilang best-of-five semifinals series matapos kanain sa Game 3 ang NorthPort Batang Pier, 132-105 noong Miyerkules sa Big Dome. Namumuro na Gin Kings sa pagsampa sa championship round at maaaring maisakatuparan ang kanilang balak ngayon pagharap nila sa Batang Pier sa Game 4 sa alas- 7 ng gabi sa nasabing lugar. Humarabas si import Justine Brownlee ng 41 points, 11 rebounds at pitong assists para akayin ang Gin Kings sa paglista ng 2-1 serye. “It’s nice to have the head start, get ahead in the series and dictate the series. That’s always the goal, force the other team to make the adjustments,” hayag ni Gin Kings head coach Tim Cone.
Bukod kay Brownlee, kakapitan ni head coach Tim Cone sina locals Japeth Aguilar at Jeff Chan na nagtala ng tig 18 at 17 puntos ayon sa pagkakasunod para sa panalo ng Gin Kings nakaraan. Sa kanilang huling panalo, nagparamdam agad ng lakas ang Gin Kings sa opensa sa simula ng laban, tinarak nila ang 64-48 bentahe sa halftime. Hindi na pinahabol ng crowd favorite na Ginebra ang Batang Pier sa third canto, umabot sa 28 puntos ang kanilang lamang, 100-72 papasok ng fourth. Sinabayan na lang ng Gin Kings ang NorthPort sa payoff period para manatili ang malaking bentahe at makuha ang panalo. Hindi inaasahan ni Cone na mananalo sila ng dalawang sunod na tambakan. “I really didn’t expect that (a second straight blowout win). I didn’t expect us to play so well. We came out and played really well in just about every phase of the game,” ani Cone.





Comments