top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Dahil sa pananaksak.. ‘Richard Gomez’, tiklo

  • Madel Moratillo
  • Dec 20, 2019
  • 1 min read

Sa kulungan ang bagsak ng isang estudyanteng kapangalan ng aktor at Ormoc City Mayor na si Richard Gomez matapos saksakin ang nakaalitan sa isang inuman sa Pasig City.

Ang suspek na si Richard Gomez y Mulano, 25, ay nahaharap sa kasong frustrated homicide matapos umanong saksakin si Aldrin Collantes, 26, sa Villa Lamok, Bgy. Sagad.

Sa ulat ng Pasig City Police, alas-11:50 noong Martes ng gabi, Disyembre 17, nang maganap ang insidente.

Bago umano ang pananaksak ay masayang nag-iinuman ang biktima at kanyang mga kaibigan nang magkaroon ito nang pakikipagtalo sa suspek.

Sa kasagsagan ng argumento ay dumampot umano ng bote ng alak ang suspek at binasag ito saka ginamit na pansaksak sa biktima.

Agad namang naisugod sa ospital ang biktima habang ang suspek ay naaresto ng mga rumespondeng tauhan ng Bgy. Sagad Security Force at itinurnover sa pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page