Aray ko! Pati mga friends nila, damay sa away… Manay lolit, 'di binigyan ng X'mas gift ni Gr
- Erlinda Rapadas
- Dec 20, 2019
- 1 min read

So, buhay pa pala ang gap at rivalry nina Gretchen Barretto at Kris Aquino kahit pa ilang dekada na ang lumipas.
Muli lang itong naungkat dahil sa isyung ipinamimigay na bigas at datung ni Gretchen sa ilang press at showbiz friends.
May kani-kanyang kampihan na ngayon kung sino ang Team Gretchen at Team Kris. Ilan sa mga diumano’y involved dito ay ang veteran writer, host at manager na si Manay Lolit Solis, ang talent manager na si Dolor Guevarra at ang trusted friend ni Boy Abunda na si Bettina, at si Cristy Fermin.
Hindi natuloy ang pagbibigay ni Gretchen kay Lolit ng datung at bigas dahil maka-Kris daw ito. Dating close sina Gretchen at Dolor kaya marami ang nagtataka kung bakit nagkaroon sila ng falling out.
At bakit naman kaya ang nananahimik at maysakit nang si Kris ay nadadamay pa? Dalaga pa sila noon ni Gretchen nang pagsabungin sila at nagkaroon ng kompetisyon sa kani-kanilang career at personal na buhay. Wala pa noong Tony Boy sa buhay ni Gretchen.
Malalim pala ang naiwang sugat kay Gretchen ng gap nila ni Kris kaya minamarkahan niya ang mga taong malapit kay Kris. Ganu’n ba ka-insecure si Greta? Hindi ba dapat ‘pag Pasko, sincere ang pagbibigay ng regalo?





Comments