10 yrs. old sex slave ng 15-anyos na pinsan

Pormal nang nagsampa ng panggagahasa ang 10 yrs. old na babae laban sa 15-anyos nitong pinsan matapos makailang ulit umano siyang halayin sa Sariaya, Quezon.
Batay sa ulat, naglalakad ang biktimang si alyas Sheryl, papunta sa kanyang lola nang makita ito ng suspek na si alyas Cards.
Bigla umano siyang tinawag saka hinawakan ang braso bago puwersahang dinala sa bahay ng suspek.
Pagpasok nila sa silid nito ay agad umano siyang pinagsamantalahan. Nagbanta umano ito sa kanya kung magsusumbong kaninuman.
Bago naganap ang insidente, una nang hinalay ng suspek ang biktima habang naglalaro sa labas at tinawag nitong pumasok sa loob ng bahay.
Nagsumbong naman ang biktima sa titser nito kaya humingi ng tulong sa pulisya kasama ang mga magulang at doon ay iniakyat ang kaso sa pulisya.





Comments