WTA Carry over P1.4-M at Pentafecta, Super 6

Umaapaw ang papremyo na magaganap ngayong gabi sa paghataw ng Triple Carry Over ng Winner Take All (WTA), Pentafecta at Super Six sa Metro Manila Turf Club Inc.(MMTCI) sa Malvar, Batangas. Kasabay nito magaganap din ang pagpapatuloy ng 2019 Philracom Christmas Racing Festival sa tagpo ng Additional One Win in Group Races.
Magaganap din ang Pick 6, Pick 5, Pick 4 at Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six sa distansiyang 1,200 meters.
Sa Race 1 magkasabay na magaganap ang WTA Carry over P1,435,909.07 at Pentafecta Carry Over P21,175.55 na inaasahan na magpapataas ng benta.
Maglalaban sa unahan ang tatlong mananakbong Coastal Road, Charger at Doshermanos Island sa panimula ng WTA sa Race 1 kasabay ang Pentafecta.
Sa Race 2 magsisimula ang Pick 6 pinapaboran sa mga kalahok ang Vivid Pink, Mini Model at gentleman Jim.
Sa Race 3, magaganap ang Super Six carry over P115,445.19 kasabay ng panimula nang Pick 5 at ipinapatok ang Lady of Peace habang ang Hello Junior, Rafa, Kid Kenshin, Mother Secret, Dangerous Willie at Palace in the Sky ay isama sa Trifecta, Quartet, Pentafecta sa Super Six.
Sa pagsisimula ng Pick 4 sa Race 4 ipinapatok ang Gintong Lawin habang ang Jawo at Honeywersmypants ay puwedeng isama sa Trifecta, Quartet at Pentafecta.
Sa Race 5, ipinapatok ang Magat Salamat habang ang Fruity Pebbles at Alupay star ay subukan sa forecast.
Sa Race 6, nakalalamang ang Viva Forever at magsisilbing kalaban ang Sta. Monica One isama ang Dugong Bughaw.
Sa Race 7, ipinapatok ang Rockstar Show puwedeng isama ang Tonador Sprinter, Can You Giub, Within Reach, Kristen Savings at Yes All Wee Bet sa paratingan sa Quartet, Pentafecta at Super Six.





Comments